INIUTOS ni Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr. ang pagsibak sa pwesto sa tatlong pulis na isinasangkot sa pagnanakaw sa Olongapo City.
Hindi muna pinangalanan ang tatlo habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon.
Una rito, sinabi ng isang bilanggo sa Olongapo City District Jail na ang tatlong pulis ay mga miyembro ng Olongapo City Police Station.
Pinilit umano ng tatlo ang live-in partner ng nasabing inmate na ibigay sa mga ito ang G-Cash pin number habang sila ay sakay ng itim na SUV.
Ayon sa nagrereklamo, nang malaman ng tatlong pulis na walang laman ang G-Cash, pilit umano ng mga itong inalam kung nasaan ang pera ng mga biktima at ang ilegal na droga kapalit ng kalayaan ng nahuling suspect.
Sa takot, sinabi ng live-in partner na ang kanilang pera ay nasa kanilang bahay sa Bgy. New Cabalan, Olongapo City.
Tinanong pa umano ang mga biktima kung may CCTV sa kanilang bahay.
Nang malaman na walang surveillance camera sa bahay ng mga biktima ay agad umanong nagpunta ang mga pulis dito.
Makalipas ang dalawang oras, bumalik ang mga pulis sa kanilang sasakyan na may dala na umanong bag.
Agad namang nagpunta ang mga kaanak ng mga biktima sa Olongapo City Police Station 4 upang magsampa ng reklamo kaugnay ng pagkawala ng P1 milyon cash, 11 pares ng sapatos, isang Rolex na relo na nagkakahalaga ng halos P1 milyon at groceries na P25,000.
Ayon pa sa mga kaanak ng mga biktima, pinasok ng mga pulis ang bahay ng walang search warrant noong September 5.
Agad na inatasan ni Hidalgo ang hepe ng Olongapo City Police Station na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa insidente upang malaman kung totoo o hindi ang bintang sa tatlo nitong pulis.

FEMALE JAIL VISITOR NABBED FOR SHABU CONCEALED IN PRIVATE PART
COPS ARREST BARANGAY CAPTAIN IN PAMPANGA ROAD RAGE SHOOTNG
53-YEAR-OLD WOMAN FOUND DEAD IN BATAAN HOME
OVER 3,000 COPS DEPLOYED TO ENSURE PEACEFUL BARMM POLLS
P1.16-M FAKE FERTILIZERS CONFISCATED IN NUEVA ECIJA
COPS SEIZE P22-M ILLEGALLY TRADED PETROLEUM PRODUCTS IN BATAAN
PRESIDENT MARCOS ORDERS DMW TO EXTEND ALL POSSIBLE AID TO FAMILIES OF 2 PINOY SEAFARERS KILLED IN BLACK SEA DRONE ATTACKS
PBBM: UPGRADES AT PORT OF LUCENA GOOD FOR REGIONAL GROWTH
DIESEL, KEROSENE PRICES UP BY OVER P10 STARTING JULY 21, 2026
FUEL SUBSIDY PROGRAM FOR PUV DRIVERS TO CONTINUE – PALACE