PATAY ang 41-anyos na treasurer ng barangay habang sugatan naman ang matandang babae na kasama nito matapos silang pagbabarilin sa Villaba, Leyte.
Kinilala ang nasawi na si Mateo Rasonable, 41, treasurer ng Bgy. Mataloto sa bayan ng Villaba.
Ang kasama nitong 86-anyos na si Angielyn Gulanie ay ginagamot sa ospital matapos ding magtamo ng mga tama ng bala.
Ang dalawa ay sakay ng motorsiklo nang pagbabarilin sa Bgy. Cabungahan.
Sa kabila ng mga tinamong sugat ay nagawa pang makatakbo ng lola para makahingi ng tulong.
Ang mga biktima ay galling sa isang bangko sa Carigara at pabalik na ng Bgy. Mataloto nang tambangan.
Tinutugis na ng pulisya ang mga salarin at inaalam ang motibo sa pag-atake.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
HVI NABBED, P519-K SHABU SEIZED IN BATAAN BUY-BUST
PRO3 ACCOUNTS FOR 1,332 GUNS IIN CENTRAL LUZON IN 13 DAYS