APATNAPU’T-APAT na miyembro ng Department of Social Welfare and Development Office 3 sa Central Luzon ang isinugod sa ibat’ ibang pagamutan sa Pampanga matapos umanong mabiktima ng food poisoning.
Kinumpirma ni DSWD 3 regional director Venus F. Rebuldela ang insidente na aniya ay naganap habang ang kanyang mga staff ay nagsasagawa ng isang capacity-building activity ng ahensiya.
Ayon kay Rebuldela, nakipag-ugnayan na ang DSWD-Field Office 3 management sa board and lodging service provider na sangkot sa umano’y insidente ng food poisoning.
Nabigyan na din umano ng kaukulang gamutan ang mga biktima sa tulong ng Department of Health at Clark Development Corporation upang masiguro ang kaligtasan ng kanilang kalusugan.
Ayon pa sa kanya, ilan sa mga DSWD-FO3 staff members na naospital ay nakalabas na ng pagamutan itong Biyernes at nagpapagaling na.
Nangako rin aniya ang board and lodging service provider na tutulong sa gastos ng mga biktima.
Hindi naman binanggit kung ano ang nakain ng mga empleyado na nagdulot ng pagkakasakit ng mga ito.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
HVI NABBED, P519-K SHABU SEIZED IN BATAAN BUY-BUST
PRO3 ACCOUNTS FOR 1,332 GUNS IIN CENTRAL LUZON IN 13 DAYS