NI KEVIN GALANG
MAGKASAMA hanggang kamatayan ang isang bed-ridden na mister at ang kanyang misis matapos silang masawi sa sunog na sumiklab sa kanilang tahanan sa Angeles City, Pampanga nitong Biyernes.
Sa ulat na isinumite kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., nakilala ang mga nasawi na sina Nicolas Mangune, at maybahay nitong si Aurora.
Ang mag-asawa ay na-trap sa kanilang nasusunog na bahay sa 891 Jesus St., Bgy. San Nicolas, Angeles City.
Ayon sa Angeles City police, agad silang nagpadala ng mga bumbero makaraang makatanggap ng tawag hinggil sa nasabing sunog.
Naabutan pa ng mga bumbero na humihiyaw ng saklolo ang mag-asawa subalit bigo silang ma-rescue ang mga ito dahil nakakandado ang pintuan at sinalubong pa sila ng naglalagablab na apoy.
Ayon sa ilang saksi, hindi talaga iniwan ni Aurora ang kanyang mister na bed-ridden.
Naapula ang sunog makalipas ang ilang oras.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, posibleng faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
HVI NABBED, P519-K SHABU SEIZED IN BATAAN BUY-BUST
PRO3 ACCOUNTS FOR 1,332 GUNS IIN CENTRAL LUZON IN 13 DAYS