SUSPENDIDO ng 90-araw ang guro na sinasabing nanampal umano ng kanyang estudyante sa Antipolo City, Rizal.
Ito ang kinumpirma ng Department of Education (DepEd).
Nilinaw naman ng Kagawaran na ang suspensiyon ay hindi parusa.
Ayon sa DepEd, ang suspensiyon sa guro ng Peñafrancia Elementary School ay ipinatupad habang isinasagawa ang administrative proceedings laban dito.
Ang suspensiyon ay bahagi umano ng preventive measure habang nakabimbin pa ang imbestigasyon sa kaso.
Una rito, na-comatose at binawian ng buhay ang Grade 5 student na si Francis Jay Gumikib ilang araw matapos umano itong sampalin ng kanyang guro.
Ang pananampal ay ikinuwento umano ng biktima sa kanyang ina na si Elena.
Ayon umano kay FJ, sinabunutan siya ng kanyang titser at sinampal matapos niyang isumbong ang maingay niyang kaklase noong Setyembre 20.
Ayon sa ina, nakaramdam ng pananakit sa tenga at pagkahilo ang anak subalit nagawa pa nitong pumasok sa eskwela.
Setyembre 26, nagsimulang magsuka ang bktima at nakaramdam ng pananakit ng ulo dahilan para itakbo ito ng kanyang mga magulang sa ospital.
Namatay si FJ noong Oktubre 2 na ayon sa sumuri ritong doktor ay dahil sa pagdurugo sa kanyang utak o brain hemorrhage.

PRESIDENT MARCOS VOWS BETTER WORKING CONDITIONS, MORE OPPORTUNITIES FOR FILIPINO NURSES
‘TAKE DOUBLE PRECAUTION,’ ERWIN TULFO TELLS OFWS AMID CHAOS IN FRANCE, SAUDI, ISRAEL
DROP IN SORSOGON POVERTY RATE CREDITED TO CHIZ-ERA REFORMS
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS
PBBM SEEKS DIALOGUE WITH CHINESE ENVOY OVER REMARKS ON ‘USE OF FORCE’
SENATORS SLAM CONTENT CREATORS OVER MOCKERY OF PERSONS WIITH AUTISM
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA