NI KEVIN GALANG
WALONG mga dating rebelde ang nagbalik-loob sa pamahalaan sa Central Luzon.
Sa ulat kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., isinuko rin ng mga dating insurgents sa mga awtoridad sa Bataan, Olongapo, Tarlac at Pampanga ang kanilang mga armas.
Kabilang sa mga sumuko ay mga dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) na iniuugnay sa Anakpawis Bulacan Chapter, Gabriela, Bagong Hukbong Bayan at UGMO (Underground Mass Organization).
Ayon kay Hidalgo, ang mga pagsuko na ito ay patunay lamang ng pagiging epektibo ng reconciliation programs ng pamahalaan.
Idinagdag pa niya na ang gobyerno ay mahigpit na nakatuon sa pagsuporta sa muling pagbabalik sa lipunan ng mga dating rebede at masiguro ang kanilang edukasyon, pagkakaroon ng trabaho at makinabang sa iba pang mahahalagang serbisyo.

412 PAMPANG MARKET FIRE VICTIMS TO GET CASH AID FROM DSWD
MUNICIPAL ENGINEER NABBED FOR ALLEGED EXTORTION
HVI YIELDS P374,000 SHABU IN PAMPANGA ENTRAPMENT
PRO3 ACCOUNTS FOR OVER 88,000 EXPIRED GUNS, POSTS 97.44% ACCOMPLISHMENT RATE
FAMILY OF 5 KILLED IN PANGASINAN FIRECRACKER FACTORY BLAST
UNDAS 2026 IN CENTRAL LUZON PEACEFUL, NO MAJOR INCIDENTS REPORTED — PRO3