DINAGSA ng libu-libong mga taga-Laguna ang pagbubukas nitong Biyernes (October 13) ng SM Center San Pedro sa Laguna.
Hindi magkamayaw ang mga tao na matiyagang naghintay habang isinasagawa ang countdown para sa nasabing pagbubukas ng bagong mall ng SM sa lungsod, na binigyang sigla ng aktor na si Vin Abrenica.
Sa labas ay magiliw na nagtanghal ang Banda Kawayan Pilipinas habang hinihintay ang pagbubukas ng mall.
Matapos ang ribbon-cutting, tuwang-tuwa ang mga bata nang sa pagbubukas ng mall ay nasaksihan nila ang dragon dance at ang parada ng iba’t ibang mascots at anime characters.
Ayon sa SM Prime Holdings Inc., ang SM Center San Pedro ang ikaapat nilang mall sa Laguna at pang 84 sa buong bansa.
Ang iba pang malls ng SM sa Laguna ay ang SM City Sta. Rosa, SM City San Pablo, at SM City Calamba.
Ang SM Center San Pedro ay may supermarket, appliance center, hardware, at food court.
Mayroon din ditong Jollibee, Chowking, Miniso, Watsons, Simply Shoes, Pet Express, Photo line, SM Cyberzone at BDO.
Ayon pa sa SM Prime, ang mga residente ng San Pedro ay hindi na rin mahihirapan sa pagbabayad ng bills sa tubig, kuryente, telepono, at credit card dahil maaari silang magbayad sa SM Hypermarket San Pedro Bills and Payment Counter.
Hindi na kailangang dumayo pa sa ibang lugar sa Laguna ang mga taga-San Pedro para lamang makapag-SM dahil inilapit na ang mall sa kanila.

FLOOD RESCUE BRINGS RIPPLES OF HOPE MEMBERS BACK TO THANK PRO3 PERSONNEL
PRO3’S 36-HOUR MANHUNT OPERATIONS HAUL TO JAIL ALL CL’S 10 MOST WANTED FELONS
PRO3 MEETS AUGUST MANHUNT TARGET WITH 1,215 ARRESTS
MAN KILLS 3-YEAR-OLD SON IN ILOCOS SUR
PRO3 MANHUNT OPERATIONS NET 1,082 WANTED PERSONS IN CENTRAL LUZON
PRO3 ENDS 2-DECADE MANHUNT, ARRESTS MOST WANTED FELON
COURT ORDERS ARREST OF VP SARA OVER GRAVE THREATS RAPS
PBBM CONDOLES WITH FAMILIES OF 2 FILIPINO SEAFARERS KILLED IN STRAIT OF HORMUZ