CRIME SCENE
KARUMAL-DUMAL na kamatayan ang sinapit ng isang 17-anyos na dalagita makaraang pagpapaluin ng martilyo sa ulo hanggang sa mamatay sa kanilang bahay sa Caloocan City Lunes ng madaling araw, Oktubre 23.
Ang biktima ay nakilalang si Daisy Mae Notario, residente ng Blk. 39, Lot 2, Sabalo St., Bgy. 12, Caloocan City.
Si Notario ay binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center.
Base sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, nangyari ang pamamaslang ganap na ala-1:30 ng madaling araw nitong Lunes.
Sa pahayag ng kapitbahay ng biktima na si Angie Salinas, 56, nakarinig siya ng kakaibang ingay mula sa loob ng tinitirhan ng biktima kung kaya lumabas siya para magsiyasat at dito na niya nakita ang dalagita na duguan at umaagos ang dugo sa ulo.
Agad ipinagbigay-alam ng saksi sa mga pinsan nito ang nakita na nagsugod kay Notario sa ospital.
Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon na nawawala ang cellphone at mahahalagang gamit sa bahay ng biktima na posibleng dahilan ng pamamaslang.
Wala ang magulang ng biktima nang mangyari ang insidente.
Pinaghahanap na ng pulisya ang suspect sa krimen.

ONLINE THREAT HITS UP DILIMAN; STUDENTS EVACUATED
QC SCIENCE HIGH SCHOOL WINS FIRST NXTGEN CONGRESS
P755 NEW DAILY MINIMUM WAGE FOR METRO MANILA WORKERS
LAWYER CALLS FOR PROBE INTO ALLEGED ILLEGAL STL OPERATIONS IN QC
FAMILY OF 4 DIE IN QUEZON CITY FIRE
THOUSANDS MOURN ‘NANAY NENE NG TONDO’
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA