naia
SA himpilan ng pulisya ang bagsak ng isang pasahero ng AirAsia matapos itong mag-bomb joke nang hindi makasama sa flight patungong Tacloban noong Miyerkules sa Terminal 2 Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa PNP-Aviation Security Unit (AVSEU), sinabihan umano ng airline staffer ang pasahero na i-rebook na lang ang kanyang flight dahil hindi na siya umabot sa kanyang flight patungo sana sa Tacloban.
Subalit, sinabi umano ng pasahero: “Sarap pasabugin ng eroplano nyo.”
Nang sitahin umano ang pasahero na hindi tama ang kanyang sinabi ay idinagdag nitong: “Huwag mo akong maano-ano dyan ha etong mainit ang ulo ko.”
Kaya napilitan ang airline personnel na humingi ng tulong sa AVSEC para imbitahin sa kanilang himpilan at pagpaliwagin ang pasahero.
Hindi na nagsampa ng reklamo ang airline at inalagay na lamang sa blacklist ang pasahero.

ONLINE THREAT HITS UP DILIMAN; STUDENTS EVACUATED
QC SCIENCE HIGH SCHOOL WINS FIRST NXTGEN CONGRESS
P755 NEW DAILY MINIMUM WAGE FOR METRO MANILA WORKERS
LAWYER CALLS FOR PROBE INTO ALLEGED ILLEGAL STL OPERATIONS IN QC
FAMILY OF 4 DIE IN QUEZON CITY FIRE
THOUSANDS MOURN ‘NANAY NENE NG TONDO’
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA