INIHAYAG ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Romando Artes na suspendido simula Huwebes, Nobyembre 16, 2023, si Task Force Special Operations chief Col. Edison “Bong” Nebrija.
Ang suspensyon ay kaugnay ng ulat tungkol sa isang senador na nahuling gumagamit ng Edsa Carousel busway.
“Ang decision and we discussed it kanina, we will suspend Col. Nebrija pending the investigation sa nangyari,” ani Artes sa isang press conference sa Senado kasama si Nebrija at Senator Bong Revilla.
“Unang una, it appears na may mga violation po kasi bakit nagle-leak ‘yung mga nahuhuli, which is hindi naman po dapat,” dagdag pa ni Artes.
Una nang sinabi ni Nebrija na hinarang ang sasakyan ng senador dahil sa paggamit ng EDSA bus lane. Tahasan naman itong pinasinungalingan ni Revilla.
“My daily commute is from the south to the Senate and there is no possibility I will be on EDSA in Mandaluyong. When attending to official functions in the north, I take the Skyway from and back to the south,” anang senador.
Ayon kay Artes, ang suspensyon ay upang matiyak ang patas na imbestigasyon sa isyu.
Humingi naman ng paumanhin sina Artes at Nebrija sa senador at inamin ang kanilang pagkakamali sa pagdawit sa pangalan nito sa pangyayari.
“Ina-admit po namin ‘yan na ang pagkakamali ng aming ahensiya. Kaya po andito po kami para humihingi ng tawad kay Sen. Bong at linawin at linisin ‘yung kanyang pangalan sa maling posisyon na siya po ang nakasakay at ang kanyang sasakyan ‘yung tumatakbo sa unathorized lane sa bus carousel,” pahayag ni Artes.
Samantala, tinanggap naman ni Revilla ang paghingi ng apology ni Nebrija at hindi na umano niya hihingin na bawiin ang pag-apruba ng budget ng MMDA sa Senado.

ONLINE THREAT HITS UP DILIMAN; STUDENTS EVACUATED
QC SCIENCE HIGH SCHOOL WINS FIRST NXTGEN CONGRESS
P755 NEW DAILY MINIMUM WAGE FOR METRO MANILA WORKERS
LAWYER CALLS FOR PROBE INTO ALLEGED ILLEGAL STL OPERATIONS IN QC
FAMILY OF 4 DIE IN QUEZON CITY FIRE
THOUSANDS MOURN ‘NANAY NENE NG TONDO’
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA