KINUMPIRMA ngayong Miyerkules ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 17 tripulanteng Pilipino ang kabilang sa mga hostage matapos ang pangha-hijack ng Houthi rebels ng Yemen sa isang cargo vessel sa Red Sea noong Nobyembre 19.
“May 17 na Pilipino ayon sa manning agency kasama ‘yong mga iba’t ibang dayuhan,” ani DFA Undersecretary Eduardo Jose de Vega sa interview ng Unang Balita .
Aniya, nababahala sila sa nangyaring hijacking dahil posibleng konektado umano ito sa nagaganap na giyera sa pagitan ng Israel at Hamas war, kasabay ng ulat na ang nasabing barko ay pag-aari umano ng Israel.
Gayunman, sinabi umano ng mga hostage-taker na hindi nila sasaktan ang mga dayuhang crew member.
“Nevertheless, different government agencies here will be holding a meeting with Malacañang, together with the Department of Migrant Workers and Overseas Workers Welfare Administration, to discuss this situation,” dadag pa ni de Vega.
Sinabi niyang ang DFA ay nakikipag-ugnayan na sa mga dayuhang gobyerno sa lugar..
“Alinsunod sa mga instruction ng Pangulo, lahat ay ginagawa ng pamahalaan para tiyakin na makakaligtas sila at hindi pababayaan ang kanilang kapakanan,” paniniyak ng DFA official sa pamilya ng mga Pilipinong bihag.
Tiinataya sa 25 crew members ang hawak ngayon ng Houthi rebels na karamihan ay mula sa mga bansang Bulgaria, Romania, Ukraine at Mexico.

3 FILIPINOS HURT IN KUWAIT AIRPORT DRONE ATTACK
OFW SENTENCED TO DEATH IN KUWAIT
PH EMBASSY IN QATAR ADVISES FILIPINOS TO STAY INDOORS AS ISRAEL STRIKES HAMAS LEADERS IN DOHA
MARCOS ADMINISTRATION ROLLS OUT SERBISYO CARAVAN IN DUBAI
PINAY CAREGIVER INJURED IN ISRAEL MISSILE ATTACK DIES – DFA
STAY INDOORS, FILIPINOS IN ISRAEL TOLD AMID RISING TENSION
PRESIDENT MARCOS ORDERS DMW TO EXTEND ALL POSSIBLE AID TO FAMILIES OF 2 PINOY SEAFARERS KILLED IN BLACK SEA DRONE ATTACKS
PBBM: UPGRADES AT PORT OF LUCENA GOOD FOR REGIONAL GROWTH
DIESEL, KEROSENE PRICES UP BY OVER P10 STARTING JULY 21, 2026
FUEL SUBSIDY PROGRAM FOR PUV DRIVERS TO CONTINUE – PALACE