NAGKASUNDO ang pamahalaan ng Israel at militanteng grupong Hamas nitong Miyerkules para sa 4-araw na ceasefire.
Ito ay upamg bigyang-daan ang pagpapasok ng tulong at pagpapalaya sa tinataya sa 50 bihag ng Hamas kapalit ng 150 Palestino na nakakulong sa Israel.
Ang kauna-unahang tiigl-putukan matapos ang halos pitong linggong giyera ay natamo matapos mamagitan ang Qatar.
Ang tigil-putukan ay pinaniniwalaang bahagyang makapagpapagaan sa paghihirap ng mga sibilyan sa Gaza at makapagbibigay-daan sa pagpapalaya ng masa marami pang Isareli hostages.
Pinuri naman ng Hostages and Missing Families Forum ang naging kasunduan na pagpapalaya sa mga bihag ng Hamas kasabay ng panawagan na palayaan na ang lahat ng mga hostage.
“We welcome every hostage who returns home, yet our demand remains unchanged – the immediate release of all 236 hostages. Securing the safe release of every hostage is a national priority. There is no victory until every last hostage returns home,” anang Forum sa kanilang pahayag nitong Miyerkules, Nobyembre 22.
Umaasa naman si Department of Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega na kasama sa mapapalaya ang dalawang Pilipinong sinasabing kasama sa mga binihag ng mga Hamas noong kasagsagan ng giyera.

OFW SENTENCED TO DEATH IN KUWAIT
PH EMBASSY IN QATAR ADVISES FILIPINOS TO STAY INDOORS AS ISRAEL STRIKES HAMAS LEADERS IN DOHA
MARCOS ADMINISTRATION ROLLS OUT SERBISYO CARAVAN IN DUBAI
PINAY CAREGIVER INJURED IN ISRAEL MISSILE ATTACK DIES – DFA
STAY INDOORS, FILIPINOS IN ISRAEL TOLD AMID RISING TENSION
AIR INDIA PLANE CRASH LEAVES 1 SURVIVOR, 241 PASSENGERS DEAD
116 SUSPECTS, FUGITIVES IN CENTRAL LUZON CAPTURED IN MONTH-LONG CIDG RFU 3 OPERATIONS
ALLEGED SUBSTANDARD APPLIANCES SEIZED IN NUEVA ECIJA BUY-BUST
SM SAN PEDRO JOINS BRIGADA ESKWELA 2026