NASAWI ang isang babae sa pagsabog na naganap sa pabrika ng paputok sa Bocaue, Bulacan Miyerkules ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Riza Villanueva, 45, trabahador sa pagawaan ng paputok sa Bgy. Bunlo sa bayan ng Bocaue,
Sa imbestigasyon ng Bulacan Police Provincial Office, lumilitaw na gumagawa ng kwitis ang biktima nang sumabog ito ganap na alas-5:40 ng hapon ng Miyerkules.
Agad isinugod sa ospital si Villanueva subalit binawian din ng buhay dahil sa tindi ng tinamong mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Naputol din ang kaliwang binti ng biktima sa nangyaring pagsabog.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
HVI NABBED, P519-K SHABU SEIZED IN BATAAN BUY-BUST
PRO3 ACCOUNTS FOR 1,332 GUNS IIN CENTRAL LUZON IN 13 DAYS