DALAWANG Taiwanese nationals na umano’y sangkot sa mga ilegal na aktibidad ang nasakote ng mga awtoridad sa isang operasyon sa Makati City.
Sa pahayag nitong Martes ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. , kinilala niya ang mga nadakip na sina Yuan Bo-Chun at Lin Jyun-Ze.
Ang mga suspect ay natimbog sa pinagsanib na operasyon ng Regional Intelligence Division ng NCRPO at Fugitive Search Unit ng Bureau of Immigration (BI) sa isang condominium unit sa Bgy. Poblacion, Makati City ganap na alas-7 ng gabi noong Lunes.
Si Yuan ay sinasabing target ng BI mission order kaugnay ng arrest warrant na inisyu ng Taiwan District Court laban dito sa kasong human trafficking.
Nakumpiska kay Yuan ang matataas na kalibre ng baril kabilang na ang 5.56mm assault rifle, isang 9mm assault rifle, isang M4A1 carbine, isang 9mm ingram, iba’t ibang uri ng bala, at mga posas.
Ayon kay Nartates, si Lin ay nahuli naman sa aktong pinangangasiwaan ang ilang workstations na hinihinalang nag-ooperate ng scamming at illegal online gaming.
Kinumpiska rin ng mga awtoridad ang ilang units ng computer system, SIM modems, libong pre-registered SIM cards, ATM cards, fictitious identification cards at high-grade marijuana.
Dinala ang mga suspect sa NCRPO RID office sa Camp Bagong Diwa, Taguig City para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.

ONLINE THREAT HITS UP DILIMAN; STUDENTS EVACUATED
QC SCIENCE HIGH SCHOOL WINS FIRST NXTGEN CONGRESS
P755 NEW DAILY MINIMUM WAGE FOR METRO MANILA WORKERS
LAWYER CALLS FOR PROBE INTO ALLEGED ILLEGAL STL OPERATIONS IN QC
FAMILY OF 4 DIE IN QUEZON CITY FIRE
THOUSANDS MOURN ‘NANAY NENE NG TONDO’
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA