INIHAYAG ni Vice President Sara Duterte na tatakbo siya sa public office sa susunod na halalan.
Ginawa ni Duterte, anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang pahayag sa kanyang pagdalo sa flag-raising ceremony sa Bgy. Bago Gallera, Davao City nitong Lunes.
Aniya, ang kanyang mga kapatid na sina Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte at Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte ay nagbigay ng pahiwatig na maaaring hindi na muling tumakbo sa eleksiyon.
Matatandaang noong Enero 6, sinabi ng matandang Duterte na ang kanyang babaeng anak na kasalukuyang bise presidente, ang siyang mamumuno sa kanilang pamilya sa politika.
“Ewan ko si Pulong, di ko mabasa. Pero si Inday probably has a… baka gusto pa niya manuntok. Hayaan mo muna siya doon sa Maynila. Pero ako I’m tired of politics. Count me out,” anang dating pangulo sa isang press conference sa Davao City.
Samantala, hindi naman binanggit ng bise presidente kung anong posisyon ang kanyang tatakbuhan sa susunod na halalan.

PRESIDENT MARCOS VOWS BETTER WORKING CONDITIONS, MORE OPPORTUNITIES FOR FILIPINO NURSES
‘TAKE DOUBLE PRECAUTION,’ ERWIN TULFO TELLS OFWS AMID CHAOS IN FRANCE, SAUDI, ISRAEL
DROP IN SORSOGON POVERTY RATE CREDITED TO CHIZ-ERA REFORMS
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS
PBBM SEEKS DIALOGUE WITH CHINESE ENVOY OVER REMARKS ON ‘USE OF FORCE’
SENATORS SLAM CONTENT CREATORS OVER MOCKERY OF PERSONS WIITH AUTISM
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA