NAKAALERTO ngayon ang mga awtoridad sa Albay makaraang magbuga ng puting usok noong Linggo ang naturang bulkan.
Ayon kay Albay Gov. Grex Lagman, sinabi ng Albay Public Safety and Emergency Management Office na ang nasabing insidente ay hindi pa dapat ikabahala sa ngayon.
Anang gobernador, kinausap niya si APSEMO head Dr. Cedric Daep at iniulat nito na puting usok pa lamang ang inilabas ng bulkan. Wala pa naman umanong dapat ikatakot sa kasalukuyan.
Ganito rin aniya ang naging pagtaya ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Pagdaka, nag-ulat ang Phivolcs na isang phreatic eruption mula sa bunganga ng Bulkang Mayon ang naitala ganap na alas-4:40 ng hapon ng araw ng Linggo at tumagal ito ng apat na minuto at siyam na segundo.
“The event generated a booming sound, rockfall, pyroclastic density currents or PDC and a 1,200 meter-tall plume that drifted to the southwest,” anang ahensiya.
Sinabi ni Phivolcs resident volcanologist Dr. Paul Alanis na may posibilidad ng ashfall sa mga bayan ng Daraga, Albay, Camalig at Guinobatan.
Sa kasalukuyan ay nasa Alert Level 2 and Bulkang Mayon.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
FALLING GIANT CRUCIFIX KILLS PRIEST DURING LIVESTREAMED MASS IN ECUADOR
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS