ISANG 7-buwang gulang na sanggol ang nasawi makaraan umanong ihagis ng sarili nitong ama sa hagdanan ng kanilang tahanan sa Magsaysay, Davao del Sur.
Arestado naman ang 25-anyos na suspect na kinilalang si Angelo Malit, residente ng Bgy. Tagaytay, Magsaysay.
Ayon sa ulat, nangyari ang malagim na krimen Sabado ng gabi.
Pinakiusapan umano ang suspect ng kanyang misis na patulugin ang kanilang anak sa duyan dahil may ginagawa pa umano ito.
Ngunit sa halip na patulugin, inihagis umano ng ama ang kanyang anak na tumama ang ulo sa kahoy na hagdan.
Dinala ang sanggol sa pagamutan subalit idineklara itong patay na.
Araw ng linggo nang madakip ng pulisya ang suspect sa isang follow-up operation.
Kasong parricide ang inihahandang isampa laban sa ama ng sanggol.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
FALLING GIANT CRUCIFIX KILLS PRIEST DURING LIVESTREAMED MASS IN ECUADOR
11 TAGGED IN 521 KILOS OF PH-BOUND SHABU SEIZED IN LAOS