INARESTO ng pulisya ang tinaguriang “French Spiderman” makaraang akyatin nito ang isang napakataas na gusali sa Makati City ng walang anumang gamit na harness nitong Martes.
Batay sa ulat, inumpisahang akyatin ng 61-anyos na si Alain Roberts ang 48-palapag na GT International Towers sa Makati ganap na alas-8 ng umaga Martes.
Ito ang pangalawang pagkakataong inakyat ni Roberts ang nasabing gusali na walang anumang gamit kundi chalk.
Wala namang magawa ang mga tao, maging ang guwardiya ng gusali, kungdi panoorin na lamang ang Frenchman na inaakyat ang ika-10 sa piinakamataas na building sa bansa.
Alas-10 na ng umaga nang may tumawag sa pulis para ipagbigay-alam ang pangyayari.
Agad namang naglagay ng inflatable ang emergency responders sakaling malaglag si Roberts.
Pagkababang pagkababa ni Roberts ay agad itong hinuli ng mga pulis sa kasong alarm and scandal.
Ayon kay Roberts, ginawa niya ito bilang pagsuporta sa Pilipinas sa isyu ng West Philippine Sea.

ONLINE THREAT HITS UP DILIMAN; STUDENTS EVACUATED
QC SCIENCE HIGH SCHOOL WINS FIRST NXTGEN CONGRESS
P755 NEW DAILY MINIMUM WAGE FOR METRO MANILA WORKERS
LAWYER CALLS FOR PROBE INTO ALLEGED ILLEGAL STL OPERATIONS IN QC
FAMILY OF 4 DIE IN QUEZON CITY FIRE
THOUSANDS MOURN ‘NANAY NENE NG TONDO’
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA