LIMANG mangingisda ang nirescue matapos umanong banggain ang kanilang bangka ng isang Chinese-flagged vessel sa karagatan ng Occidental Mindoro noong Martes.
Nangyari ang pagbangga malapit sa karagatan ng Paluan, Occidental Mindoro.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), natanggap nila ang tawag tungkol sa insidente ganap na alas-12 ng tanghali noong Disyembre 6, 2023.
Agad namang itinawag ng PCG sa may-ari ng nabanggang bangka na taga Puerto Princesa City, Palawan ang pangyayari.
Ayon sa mga mangingisda, nakaangkla ang kanilang bangkang FBCA RUEL J. sa isang “payao” nag mahagip ng MV TAI HANG 8 ng China.
Nagtuluy-tuloy lamang umano sa paglayag ang barko ng China na parang walang nangyari at iniwan ang mga palutang-lutang na mangingisda at tumaob ng mga itong bangka.
Agad namang sumaklolo ang mga napadaang kapwa mangingisda at sinagip ang mga ito sa tulong na rin ng PCG.
Nanawagan ng hustiya ang may-ari ng bangka sa pamunuan ng barkong bumangga
Sinabi ng may-ari na maraming pamilya ang umaasa para sa kanilang kabuhayan sa nasirang bangka
Kinondena naman ng mga awtoridad ng Pilipinas ang pangyayari.

COURT ORDERS ARREST OF VP SARA OVER GRAVE THREATS RAPS
FLOOD RESCUE BRINGS RIPPLES OF HOPE MEMBERS BACK TO THANK PRO3 PERSONNEL
PRO3’S 36-HOUR MANHUNT OPERATIONS HAUL TO JAIL ALL CL’S 10 MOST WANTED FELONS
2 PINOY SEAMEN KILLED IN STRAIT OF HORMUZ ATTACK
PRO3 MEETS AUGUST MANHUNT TARGET WITH 1,215 ARRESTS
MAN KILLS 3-YEAR-OLD SON IN ILOCOS SUR
PBBM CONDOLES WITH FAMILIES OF 2 FILIPINO SEAFARERS KILLED IN STRAIT OF HORMUZ