DALAWAMPUNG katao ang nasawi sa banggaan ng isang truck at isang bus na magdadala ng mga manggagawa sa isang minahan ng diamond sa South Africa.
Nangyari ang banggaan sa lalawigan ng Limpopo, malapit sa hangganan ng Zimbabwe, noong Linggo.
Ayon sa construction company na Murray & Roberts Cementation, kabilang sa mga namatay ang 17 sa mga manggagawa nito, habang apat na iba pa ang nasugatan.
Sinabi ng kumpanya na ang mga manggagawa ay patungo sa minahan ng Venetia sa Musina nang mangyari ang aksidente at nag-aalok ito ng suporta sa mga pamilya ng mga biktima.
Nakatakda sanang magtrabaho ang mga biktima sa isang underground project sa isang minahan ng diamond giant na De Beers.
Pinuna naman ni Zimbabwe provincial transport minister Florence Radzilani, na personal n bumisita sa crash site noong Lunes, ang estado ng ilang truck sna bumibiyahe sa mga kalsada ng naturang bansa.

FALLING GIANT CRUCIFIX KILLS PRIEST DURING LIVESTREAMED MASS IN ECUADOR
3 FILIPINOS HURT IN KUWAIT AIRPORT DRONE ATTACK
OFW SENTENCED TO DEATH IN KUWAIT
PH EMBASSY IN QATAR ADVISES FILIPINOS TO STAY INDOORS AS ISRAEL STRIKES HAMAS LEADERS IN DOHA
MARCOS ADMINISTRATION ROLLS OUT SERBISYO CARAVAN IN DUBAI
PINAY CAREGIVER INJURED IN ISRAEL MISSILE ATTACK DIES – DFA
4 PAF PILOTS DIE IN BATANGAS AIR MISHAP
BOMB THREAT HITS UST
NAIA INT’L PASSENGER TRAFFIC UP AMID MIDDLE EAST CONFLICT; AIRLINES EXPAND ROUTES
SECURITY OFFICER SHOOTS WIFE DEAD OVER CHILD SUPPORT