TSINO NAHULI SA NAIA
NI LEX MANALO
ISANG TSINO na wanted sa China sa kasong illegal gambling ang dinakip nitong Lunes ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Kinilala ang naaresto na si Jiang Ning, 27. Siya ay hinuli sa NAIA Terminal 1.
Tinangka ni Ning na umalis ng bansa lulan ng Philippine Airlines flight patungong Kuala Lumpur, Malaysia nang mapansin ng immigration officers ang derogatory record nito sa kanilang system.
Nang beripikahin, nakitang si Ning ay target ng isang Interpol red notice dahil sa pagiging wanted sa China bunsod ng pagkakasangkot sa pagtatayo ng isang gambling group na komokontrol ng 14 gambling platforms sa China at Pilipinas.
Nag-operate umano ang grupo mula 2014 hanggang 2021 at nakapang-akit ng mahigit 100,000 Tsino sa sugal.
Isang warrant ang ipinalabas ng Qijiang District Public Security Bureau ng Chongqing Municipality laban sa suspect dahil sa pagbubukas ng casino at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Criminal Law ng China na may parusang 10-taon na pagkakakulong,
Si Ning ay nakakulong ngayon sa Warden Facility ng BI sa Bicutan, Taguig, habang hinihintay ang kanyang deportasyon.

ONLINE THREAT HITS UP DILIMAN; STUDENTS EVACUATED
QC SCIENCE HIGH SCHOOL WINS FIRST NXTGEN CONGRESS
P755 NEW DAILY MINIMUM WAGE FOR METRO MANILA WORKERS
LAWYER CALLS FOR PROBE INTO ALLEGED ILLEGAL STL OPERATIONS IN QC
FAMILY OF 4 DIE IN QUEZON CITY FIRE
THOUSANDS MOURN ‘NANAY NENE NG TONDO’
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA