SINISIYASAT na ng pulisya ang diumano’y mga insidente ng injection attacks sa Cebu City itong nagdaang dalawang linggo,
Ayon kay Cebu City Police Office deputy director for operations Lt. Col. Janette Rafter, sinusuri na nila ang CCTV footages sa mga lugar sa palibot ng isang mall sa lungsod kung saan sinasabing may mga nanunurok umano ng mga heringgilya sa mga taong napapadaan.
Ayon sa opisyal , batay sa kanilang paunang imbestigasyon, wala namang nakuhanang komosyon ang mga CCTV sa lugar.
Wala rin umanong natatanggap ang pulisya na reklamo hinggil sa nasabing mga pag-atake.
Aniya, natukoy na nila ang taong unang nag-post ng nasabing insidente noong nagdaang linggo na isang menor de edad.
Sinisiyasat na rin umano nila ang iba pang mga nag-post online hinggil sa mga katulad na pangyayari.
Siniguro ng opisyal sa publiko na kontrolado nila ang sitwasyon at nagpakalat na sila ng karagdagang kapulisan para sa monitoring at mapigilan ang sinumang magtatangkang gumawa ng krimen.
Nagtalaga rin ng mga dagdag na security guards ang mall para higit na maprotektahan ang kanilang mga parokyano.

COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA
HVI NABBED, P519-K SHABU SEIZED IN BATAAN BUY-BUST
PRO3 ACCOUNTS FOR 1,332 GUNS IIN CENTRAL LUZON IN 13 DAYS