NI KEVIN GALANG
ISANG bilanggo sa Olongapo City Police Station 3 ang nagtangkang magpakamatay kahapon, Setyembre 30. Napigilan naman ang tangkang suicide sa jail facility na matatagpuan sa Bgy. East Tapinac nang agad na makapagsumbong sa jail guard ang kasamahang preso ng biktima. Kinilala ang bilanggo na nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili na Ceasar Diverson, 44, ng Pag-Asa, Olongapo City. Nakita naman ito ng kasamahan niyang bilanggo na si alias “Tarosa” na humingi agad ng tulong sa jail guard. Agad na rumesponde ang naka-duty noon na jail officer at desk officer at dinala si Diverson sa James L. Gordon Memorial Hospital upang malapatan ng lunas. Ayon sa pulisya, si Diverson ay nakulong dahil sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004. Inireklamo ito ng kanyang live-in partner na nagsabi sa pulisya na makailang beses nang nagtangkang magsuicide ang kanyang kinakasama. Nangyayari umano ito tuwing sila ay nag-aaway. Nakita mula sa selda ng biktima ang isang plastic na kutsara na ginawang improvised na kutsilyo at blade ng electric fan na pinaniniwalaan ng pulisya na siyang ginamit nito sa tangkang pagpapatiwakal.

FLOOD RESCUE BRINGS RIPPLES OF HOPE MEMBERS BACK TO THANK PRO3 PERSONNEL
PRO3’S 36-HOUR MANHUNT OPERATIONS HAUL TO JAIL ALL CL’S 10 MOST WANTED FELONS
PRO3 MEETS AUGUST MANHUNT TARGET WITH 1,215 ARRESTS
MAN KILLS 3-YEAR-OLD SON IN ILOCOS SUR
PRO3 MANHUNT OPERATIONS NET 1,082 WANTED PERSONS IN CENTRAL LUZON
PRO3 ENDS 2-DECADE MANHUNT, ARRESTS MOST WANTED FELON
COURT ORDERS ARREST OF VP SARA OVER GRAVE THREATS RAPS
PBBM CONDOLES WITH FAMILIES OF 2 FILIPINO SEAFARERS KILLED IN STRAIT OF HORMUZ