ARESTADO ang isang Chinese national makaraang madiskubre ang shabu na nakaipit sa ipina-deliver nitong chicken sa Pasay City.
Ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Executive Director Gilbert Cruz, dinakip ang Tsino makaraang matuklasan ang dalawang plastic sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P13,000 sa inorder nitong pagkain.
Ang naturang Tsino ay isa lamang sa mga nasakoteng Chinese nationals sa ni-raid na POGO hub sa Pasay City noong Sabado, Oktubre 27.
Ang pagsalakay ay bunsod na rin ng napaulat na umano’y mga ilegal na aktibidad tulad umano ng sex trafficking na nagaganap sa nasabing establisimiyento.
Sa inisyal na imbestigasyon, ang nasabing Tsino ay pinayagang tanggapin ang pagkain na kanyang inorder sa isang fastfood outlet sa lungsod Sabado ng gabi.
Gayunman, nang inspeksiyunin ang ipinadeliver na pagkain ay nadiskubre ang nakasingit na ilegal na droga sa inorder ng suspect na manok.
Ang mahigpit na inspeksiyon ay kasunod na rin ng kautusan para mapigilan ang posibleng pagpupuslit ng ilegal na droga, alak at sigarilyo para sa mga nasakoteng POGO personnel.
Pinaghahanap na rin ng mga awtoridad ang delivery rider na nagdala ng nasabing pagkain.
Ang naarestong Tsino ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

ONLINE THREAT HITS UP DILIMAN; STUDENTS EVACUATED
QC SCIENCE HIGH SCHOOL WINS FIRST NXTGEN CONGRESS
P755 NEW DAILY MINIMUM WAGE FOR METRO MANILA WORKERS
LAWYER CALLS FOR PROBE INTO ALLEGED ILLEGAL STL OPERATIONS IN QC
FAMILY OF 4 DIE IN QUEZON CITY FIRE
THOUSANDS MOURN ‘NANAY NENE NG TONDO’
COPS SMASH MABALACAT CITY DRUG DEN
2 NIGERIAN HVIS FALL
ALIEN YIELDS P6-M ECSTASY IN ANGELES CITY
PRO3 SEIZES P2.72-M SHABU IN MABALACAT, PAMPANGA