Maagang sinimulan ng Inter-Agency Task Force ang pagmonitor sa MMDA Communications and Command Center (MMDA-CCC) sa lagay ng mga lansangan sa Metro Manila ngayong unang araw ng tigil-pasada ng grupong PISTON.
NAGSIMULA na ngayong araw ng Huwebes, Disyembre 14, 2023, ang dalawang araw na transport strike ng grupong PISTON bilang protesta sa konsolidasyon ng public utility vehicles (PUV) operators.
Sa PHILCOA sa Quezon City, kapansin-pansin ang dami ng mga pasaherong nag-abang at naantala para lamang makasakay.
Ilan sa mga commuter ang maaga umanong umalis ng bahay para hindi ma-late sa kanilang trabaho, ayon sa ulat.
Sinabi ni Transportation Undersecretary Timothy John Batan na mag-aalok ng libreng sakay para sa mga apektadong pasahero mula sa local government units at sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon kay Batan, bukas ang pamahalaan sa dayalogo kasama ang mga grupo na makikilahok sa kilos-protesta.
“Sana nga po ay hindi magtuloy itong transport strike,” pahayag ng MMDA official.
Una nang inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi palalawigin ang deadline para sa konsolidasyon ng PUV operators.
Ayon sa Pangulo, 70 percent ng mga operators ang nakasunod na sa proseso ng konsolidasyon sa ilalim ng PUV Modernization Program.
Hindi aniya mapapayagan ng pamahalaan ang pagkaantala sa implementasyon ng programa dahil makaapekto ito sa majority ng PUV operators, mga bangko, financial institutions at maging sa publiko.
Samantala, sa pangunguna ni MMDA General Manager Usec. Procopio Lipana at MMDA Traffic Discipline Office Director for Enforcement attorney Victor Nuñez, maagang sinimulan ng Inter-Agency Task Force ang pagmomonitor sa MMDA Communications and Command Center (MMDA-CCC) ang lagay ng mga lansangan sa Metro Manila ngayong unang araw ng tigil-pasada ng grupong PISTON.
Ayon kay Lipana, nakahanda ang nasa mahigit 600 rescue vehicles mula sa MMDA, mga iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan, at mga LGUs para sa mga mananakay na maaapektuhan ng transport strike.
Inatasan naman ang mga traffic enforcers na paigtingin ang traffic management at umasiste sa crowd control sa mga lugar na pagdarausan ng mga kilos-protesta.
Ganap na alas-7:09 ng umaga ay maroon na umanong naireport na pagtitipon ng mga miyembro ng grupong PISTON sa Pasig, Parañaque, at Quezon City
Tinitiyak naman ng team na nakahanda ang assets ng pamahalaan para masiguro na walang maii-stranded na mga commuters ngayong may tigil- pasada.

POLITICAL VLOGGER GUNNED DOWN IN CALOOCAN
SWIFT POLICE ACTION LEADS TO ARREST OF 5 ‘GAPOS GANG’ MEMBERS IN MARIKINA
MANDALUYONG LGU BLACKLISTS SUPPLIER OF UNDERWEIGHT RICE SACKS
RISE IN COVID-19 CASES IN QC ‘NO CAUSE FOR ALARM’
MOTHER OF 6 KIDS SHOT DEAD IN QC
METRO MANILA WORKERS TO GET P85 DAILY PAY HIKE
PRESIDENT MARCOS ORDERS DMW TO EXTEND ALL POSSIBLE AID TO FAMILIES OF 2 PINOY SEAFARERS KILLED IN BLACK SEA DRONE ATTACKS
PBBM: UPGRADES AT PORT OF LUCENA GOOD FOR REGIONAL GROWTH
DIESEL, KEROSENE PRICES UP BY OVER P10 STARTING JULY 21, 2026
FUEL SUBSIDY PROGRAM FOR PUV DRIVERS TO CONTINUE – PALACE